Para yang tuyo, ginataang hipon, inihaw na bangus, at yung dati mong paborito…
Para yang tuyo, ginataang hipon, inihaw na bangus, at yung dati mong paborito.
Kung ikaw yung klase ng taong hindi kayang magsabay ng mga paborito mong ulam, isa sa mga pinakamahirap na sitwasyon dyan yung hainan ka lahat ng mga gusto ng tyan mo.
Katulad ng tuyo, ginataang hipon, inihaw na bangus, at batchoy kunware. Tangina, men. Syempre una, titikman mo yan lahat, susubukan. Pero eventually, magsesettle ka sa isa…yung pinakatrip ng panlasa mo.
Yung dati mong paborito, ittry mo pa rin. Baka kase, bumalik ang dating pagkahilig. Nakita mo kase yung durog durog na dugong lumulutang sa sabaw ng batchoy. Wow. Pampainit ng tyan. Sawsaw sa patis-mansi, perfect!
Punta ka sa sunod…inihaw na bangus. Amoy pa lang, kanin na lang kulang. Meron pa yang kamatis, sibuyas, at kung ano mang ek ek pa na nakalagay sa loob. Sobrang bango. Kakaakit. Masarap din, pwede!
Ginataang hipon. Ansabe ng gata? “Busugin kita hanggang buto?” Haha. Hmmm! Yung hipon, bumaluktot na, surrender, handang handa na magpakain. At wala nang sasarap pa sa kanin na may lasang gata. Yum!!!
Pwede mong kabagsakan, tuyo. Sa dami mong choices, tuyo pa napili mo. Bakit hinde? Yun ang trip mo e. Para sa mga taong hindi alam kung gano kasarap ang tuyo, sasabihan kang tangangot. Ipatikim ko kaya sayo? Ngunit ayoko, kase, yun nga kakainin ko, papakain ko pa sayo? Ulul.
Kanya kanya yan. When we are faced with choices, dapat talagang mamili o maguluhan ka na lang forever. Pag di ka naman namili, baka magutom ka dyan o abutin ng amag yung mga pagkain. Kung lalahatin mo, halo-halo na, makuntento ka kaya sa lasa?
Pero pag nalaman mo kung anong gusto mo, happiness!!! :)
Happiness comes with contentment.
Alam mo kung ano yung nakakainis?
Yung ayaw mo maapektuhan, pero di mo maloko sarili mo na di ka apektado.




